martes, abril 29, 2008

lapis ni Juan Delacruz


Gumagamit ka ba ng lapis?

Naalala mo ba kung kailan ka unang natuto magsulat gamit ito? Noong ikaw ay bata, pumapasok ka sa paaralan dala-dala ang lapis para sa leksyon na matututunan sa loob ng silid aralan kasama ang mga kamag-aral at guro. Nangangarap na magtagumpay sa buhay kung kaya't ikaw ay nag-aaral ng mabuti. Pero madami sa atin ang hindi marunong sumulat at magbasa dahil ito sa kahirapan na nagdudulot ng kamang-mangan sa isang Juan Delacruz. Malungkot mang isipin ngunit ito ang totoo. Salat sa edukasyon ang Pilipinas kung kaya't pataas ng pataas ang dami ng mga bata ang nagiging mang-mang.

Mayroon pa bang pag-asa ang mga bata ito na magkaroon ng magandang buhay sa kabila ng kahirapan at sa pagiging mailap sa kanila ng edukasyon?