martes, abril 29, 2008

lapis ni Juan Delacruz


Gumagamit ka ba ng lapis?

Naalala mo ba kung kailan ka unang natuto magsulat gamit ito? Noong ikaw ay bata, pumapasok ka sa paaralan dala-dala ang lapis para sa leksyon na matututunan sa loob ng silid aralan kasama ang mga kamag-aral at guro. Nangangarap na magtagumpay sa buhay kung kaya't ikaw ay nag-aaral ng mabuti. Pero madami sa atin ang hindi marunong sumulat at magbasa dahil ito sa kahirapan na nagdudulot ng kamang-mangan sa isang Juan Delacruz. Malungkot mang isipin ngunit ito ang totoo. Salat sa edukasyon ang Pilipinas kung kaya't pataas ng pataas ang dami ng mga bata ang nagiging mang-mang.

Mayroon pa bang pag-asa ang mga bata ito na magkaroon ng magandang buhay sa kabila ng kahirapan at sa pagiging mailap sa kanila ng edukasyon?

jueves, abril 24, 2008

man.sana.s


Magkatabi tayo sa duyan
Sa ilalim ng buwan
Buhangin sa ating mga paa
Ang dagat ay kumakanta

Matagal naring magkakilala
Minahal na kita
Simula pa nung una
Unang makita ang iyong mga mata

Sana ay huwag ng matapos tong
Pagibig na para lamang sa iyo

Tuwing ika’y nalulungkot
Nandito lang ako pangako ko sa’yo
Hindi kita iiwan
Huwag kang mag-alala (huwag kang mag-alala)
Gusto mo ng beer ililibre kita (sige na, sige na, sige na)
Basta’t ika’y kasama, di ako nangangamba
Kislap ng yong mata tibok ng puso’y sumaya

Ikaw lang ang aking mamahalin
Hanggang sa langit ikaw ay dadalhin
Tara na, tara na, tara na

Sana ay huwag ng matapos tong
Pagibig na para lamang sa iyo

(Gusto kong) Tumalon, tumalon sa saya dahil
Ikaw ang kapiling
Sa iyo, sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
Ang puso ko
Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
Sa ilalim ng araw

Magkatabi tayo sa duyan
Sa ilalim ng buwan
Buhangin sa ating mga paa
Ang dagat ay kumakanta

Matagal naring magkakilala
Minahal na kita
Simula pa nung una
Unang makita ang iyong mga mata

Sana ay huwag ng matapos tong
Pagibig na para lamang sa iyo

(Gusto kong) Tumalon, tumalon sa saya dahil
Ikaw ang kapiling
Sa iyo, sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
Ang puso ko
Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
Sa ilalim ng araw

miércoles, abril 23, 2008

sum.mer

Tagal ko din hindi nag-post sa blog ko. Puro blog hop lang nigagawa ko.. haha.. haay.. Summer nga pla kaya mainit maglakad sa labas. uhhm... Nagandahan ako sa song na'to.. La lang, nagandahan ako eh.. hehe.. taz, ang title pala nito ay "Summer Song" haha.. sung by Silent Sanctuary. Actually, I'm a day dreamer. connection? I was imagining something nung narinig ko 'to.. About the lyrics and anything.. Basta, hirap paliwanag.. hahaha..

Okay, just try to listen to this song...:




Summer na naman.. Meaning all day boredom kapag walang maisip na magawa.. Haayy.. Pero madaming mga students na nag-wi-wish about free time, free of hassle. Pero ngayon, malamang madami ang Bored! haha.. isa nako dun.. Lalo na at nasira pa yung PC ko.. huhu.. Ang hirap ng buhay kpag walang I-net conn.. Hindi ko abot ang mundo.. huhu.. Well, ano pa ba magagawa ko edi ayusin siya.. [konting pok-pok at screw lang yan, okay narin yan! haha] Naayos ko nga siya sa tulong ni Sir Marlon "Lhonz" Cueva, instructor at head ng Comp. Tech ng EAC-D.. whooooo!!! Connections nga naman!! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng course ko nung nasa HS pako. haha!! Buti nalang Comp. Tech. pinili ko kahit na yung ang course na may pinakamahirap na setting. Kasi ba naman, dalawa ang instructors namin. isa kay Sir Lhonz at isa kay Sir Alpax.. haay.. Well by the way, worth it kasi kapag may prob ako sa PC, sila nlang ang tinatawagan ko.. weee... hehe.. may mga technicians nako agad!! weee... Experienced at siguradong magaling! hehe..

Special Force Online -- Yan ang nilalaro ko ngayong summer. haha, parang CS lang.. hehe.. la lang, natututwa kasi ako prang CS.. hehe.. enjoy din naman kasi i can play with my friends online. weeee.. pang-tanggal ng Voredom. hehe.. I always wanted to be enlisted kaso i think hindi ko kaya ang training kaya sa game ko nlang sia gagawin.. hehe...

Haay.. kapag summer, kelangan ng raket para magkapera.. Kaya si Gerren, sumama sakin mag-apply maging "call boy" -- call center agent ah! hehe.. Tapos yun, wala din... haha.. ok lang.. experience sa interview sh*t.. haha..




...Pangarap ni kiko

Gusto ko pumunta ng Makati. Bakit nga ba? ahh.. Para makagala at magbakasakali na makita siya. Pero ang labo nun kasi hindi ko naman alam ang sked nia.. haay.. Pero sana makasabay ko siya sa bus pauwi or papunta ng Makati.. haha.. Hanggang dun nlang yun, pero kung mangyari man.. Hala, hindi ko alam ang gagawin ko... haha.. Kasi ba naman, nagiging tounge twisted ako kapag nanjan sia. And my HR is going up to the roof.. haha.. EWAN.. Basta ganun nangyayari sakin eh.. haha.. Haay.. Sana..

Sana magka-ayos na kami....