martes, enero 01, 2008

Tu Tawsand Eyt

Maligayang Bagong Taon!! Tu Tawsand Eyt (2008) na! Huwaw! maaga ako nagising 0830HRS, gising na'ko... weee... Pero musta naman yun, hapon na'ko nakapag-Blog. Haayy.. Kapag New Year o simula ng taon (month of january) karamihan sa mga Tao ay nag-iisip ng New Years Resolution pero hindi naman nagagawa. Parang, pangako na napapako.. (..haha) Parang ako, nag-babalak na magblog-mag-blog pero malamang tatamarin ako kasi i'm really in to PhotoBlogging. Tska gumawa ako ng WordBlog para sa na-iibang entry sa January '08 ng aking Blog. Teka!! Bakit nga ba ako nagtype ngayon sa blog ko? Ang 'nakagawian' (naks! tagalog talaga!) ko kasi ay mag-upload lang ng mga Litrato na aking nilikha o dili kaya ay mga pangyayari na magiging Ala-ala ng nakaraan na aking maaalala sa paglipas ng panahon. Haay...aamin na nga ako. Wala akong ma-upload kasi wala naman akong nakuhanan na maganda or moments to capture for a lifetime. (aw! huhuhu...) Kasabay pa nun ang paggawa ko ng Report sa HRM6: Meal Management na ang due date ay sa January 4. Akala ko pa naman hindi magiging katulad ng ICA (school ko dati) ang style pero shet! Ang aga nila mag-resume ng class. nakaka-urat talaga kasi hindi ko matapos ang report, nawawalan na'ko ng 'bokalularyo.' (..haha)

Biruin nyo, a-uno ng Enero sa taong 2008 nag-type ako sa blog ko. (hahaha..) Lakas kasi mag-impluwensiya ni Reamel. Ginawang parang Journal or Diary ang Blog, kasi ang hahaba ng posts. Kaya madali siyang makilala kasi ba naman sa mga nilagay niya na mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya. (..haha) Isang bagay lang talaga ang ayaw ko sa Blogging, and 'typing' kasi nakakpagod at nakaka-ubos ng 'bokabularyo' (..Nyahahaha) Pero masaya kasi type ka lang ng type ng gusto mong sabihin sa wikang taglish..haha... Isang bagay na hindi magagawa ng mga 'Poriner' ay basahin ang blog ko at awayin ako kapag may nasabi ako na hindi ka-akitakit sa kanila.. Naks! beri noti si prans esnayder, kakapalit lang ng kalendaryo at ng taon, hindi parin nagbabago.. Lalong lumalala.. wahahaha... Aktuwali, wala lang ako magawa kaya ako nag-type kasi nakaka-stress ng report na hindi matapos at wala akong ma-isip na idea. ampf! Oo nga pala, magbabasa pa ako sa Priciples of Management at Accounting pero nandito ako sa blog ko at gumagawa ng kung anu-ano na malamang ang nagbabasa ay na-uurat na...nyahaha.

'walang aangal sa typo error. hmmpf!'
>.<