martes, enero 15, 2008

key lock activated

waaaaah!!!! second time, nakaiwan ulit ako ng car key sa loob. Yung una, sa Imus naman yun, WALA akong ibang kasama at pati ang telepono ko nasa loob din!! aw! Buti nalang malapit lang ako sa autoshop nung nangyari yun, balik tayo sa second eto na.....waaah!! Ang masaklap pa, sa Airport parking ko naiwan! Malayong-malayo sa Cavite para sa duplicate key ng Solex. waaahh! Buti nalang may panungkit yung mga Jaguar na naka-duty dun. Sabi nila, madami na silang kaso ng mga nakakaiwan ng susi sa loob. Haay.. Buti nalang bago lumabas si Insan, nakuha ko na yung susi.. kaka-uratacious experience! Kasi kapag hindi ko nakuha yung car keys, malamang Iwan ako dun para bantayan yung car tapos hintay sa pagdating ng duplicate.. PERO, buti nalang at 'laging handa' ang mga Jaguar-on-duty.. weeee!! [maraming salamat po!]

Tapos pauwi na kami nung 0055hrs, na-uurat nako kasi may pasok pa'ko tapos wala pa akong tulog.. aw!! HAHA!! Ang aking Nanay, nagwawala na sa likod kasi ang BILIS ko daw magmaneho.. nyahahaha!! Ang kulit-kulit pa, tanong ng tanong kung inaantok na ba daw ako. Deadmadacious lang ako, siryus sa pagmamaneho pero deep inside, antokacious na talaga... waaa!! hehe.. Biruin mong, mula airport hanggang cavite more or less 20-25minutes.. nyahaha... Walang nakatulog sa pag-ddrive ko kahit na Jantokacious to the max na mga tao.. wahaha... Pagdating sa bahay, konting lafang then, YUN!! log-out na si prans! haha... tulog agad! hahaha..

miércoles, enero 09, 2008

70 Shit

Badtrip! Asar! Ka-inis! Pero ano pa bang magagwa ko, wala na, kasi nangyari na at nagawa na. Shit! 70 kaming lahat sa performance sa food laboratory dahil sa mga lintik na section ko! Shit! Mga irresponsible! Tama ba namang hindi linisin yung mga ginamit na stoves?! Yung team ko hindi gumamit kasi turbo brioler lang ang need namin.. Yung ibang team, grabe sa gamit tapos ang kalat... aw! Nagalit tuloy si Chef. Pinalinis niya sa 3rd year tapos kami, 70! takte talga sila! I just can't take it! Mga tamad! Hindi sila pwede sakin!! Puro Porma! Kala mo mga may-ipagmamalaki, wala naman. 'putragis talaga,' isama mo pa yung marketed goods namin. Kaya ko pa palampasin yun kasi magagawan ng paraan yun PERO yung GRADE na 70 sa Performance, HINDI!! Kasi, strict policy ko ang 'clean as you go' sa team ko tapos yung ang performance dahil lang sa mga pasaway na other teams. Shit!! Partly, napunta sa wala yung gastos at effort ng team namin. (wala naman ako pake sa mga 'walang kwentang' kaklase ko.) putcha! haay!!

Maiba tayo, okay yung mga presentation ng mga nagawa ng other teams at pati yung partner team namin. Magaganda lahat pero 'unfortunately' wala akong dalang camera. Sayang, hindi ko nakuhanan ng pictures yung mga table setting and food presentations namin/nila. Haay... Sayang talaga. Another Photo Opz just passed me... aw! huhuhu... Next time, magdadala na'ko. Pero, badtrip naman si Chef sa section namin, lalo na sa mga pasaway na mga boyz. Kaya baka, this will be the last food lab hands-on namin. PERO, hindi naman papayag si Student Chef Franz Schneider Bongabong na mangyari yun! grrr!! Manganga-in ako nga TAO kapag nangyari yun! Sayang valuable learning experience.

Woi, ganda ng National Treasure Book of Secrets! hehe.... I love the Ferrari specially when its 'TAX FREE' and sent by the White House. nyahahaha... Nanood kami ng girl ko sa Market! Market!. HAHA!! Natapos na yung movie pero hindi parin umaalis kasi hinintay namin yung first 10mins ng movie na na-miss namin.. shet! imagine the time! haha!! Yan tuloy, gabi na'ko nakauwim which is nakakpanibago kasi lately maaga na'ko umuuwi.. HAHA!! Na-abutan ko pa ang CSI: Miami at Coffee Prince.. haha... Ngaun lang ako na-hilig sa Koreanovela 'Chorva', kasi ba naman tungkol sa "KAPE" yung series.. nyahahaha....

Makatulog na nga at ako'y fafagood na....

martes, enero 08, 2008

another.day.in.Galley.section

Haay... Eto nanaman ako maghahanda para sa kusina work bukas. Sana lang HINDI ko MAKALIMUTAN ang mga 'buttons' ng Chef's Jacket ko. Kakaurat pa nman kapag walang buttons kasi hirap kumilos kasi hindi fixed. AY! nga pala yung checkered pants ko sobrang haba pa. shet! hindi ko papala napapa-bawasan yun.. Naman! Pero 'ok' lang, i have the skills naman e. (naks!) Tea party ang naka-assign sa group namin. !wow! madali lang ang task! kaso buffet, shet, mahal.. amp. Nga pala, hindi ako sumama sa pag-market ng goods. Sayang yung SM Advantage points.. nyahahaha..... (leecher!) hehe.. Actually, mitikoloso ako sa pag-pili ng goods kaya lagi ako sumasama sa marketing. Pero this time, nitamad meee.. hehehe... Wala lang, just wanna experience yung hindi nag-ma-market. Now, i've realized na pang-management din ako kasi hindi ako sanay na hindi nakikita yung mga goods na gagamitin. haha..

Naku, TEA nga pala yung naka-assign samin. HINDI pa naman ako mahilig sa Tea. Maliban nalang sa C2 at Nestle iced tea. ..nyahaha I need to get some sleep na kasi baka hindi ako maka-attend sa lecture bukas tapos Fiesta pa ng Itim na Nazareno bukas, araw ng Miyercules, 9 Enero 2008. Haay.. Another Photo Opz sana kaso wala naman akong DSLR o kaya Film at Battery sa Film-based SLR ko.. aw! huhuhu.... Sana, oneday may mag-dilang anghel at bigyan ako ng DSLR, kahit Canon 40D lang. hahaha.... nangarap si prans! nyahahaha...

domingo, enero 06, 2008

apple.for.you


"..I only have 'red apple,'
would you like to have it?.."


..I want to see you again. Even in a far distance only.
I'm happy with that. Just seeing you makes my day complete.
Chatting makes me thrilled but filled with happiness.."

"..I don't know when and how I can see you again.
Maybe I will have to wait for the next nine mornings to come..."

-prans.esnayder

martes, enero 01, 2008

to.whom.it.may.concern

To Whom it May Concern:

Hindi na ako aasa pagkat alam ko na imposible ang maging akin ka kung kaya't mananatili nalang akong akong isang kaibigan mo. Sana'y hindi mo ako makalimutan sa paglipas ng panahon pagkat ika'y hindi ko makakalimutan hangga't sa aking huling minuto dito sa mundo. Ikaw ay isang mahalagang kaibigan sa akin kaya ikaw ay aking pinapahalagahan.

Ikaw ay inspirasyon sa akin at mananatiling inspirasyon, kahit ikaw ay malayo at hindi na makausap o makita. Dahilan ng aking kasiyahan at tagumpay sa buhay, ikaw ang inspirasyon ko.

Iyong Kaibigan,
Prans.Esnayder

Tu Tawsand Eyt

Maligayang Bagong Taon!! Tu Tawsand Eyt (2008) na! Huwaw! maaga ako nagising 0830HRS, gising na'ko... weee... Pero musta naman yun, hapon na'ko nakapag-Blog. Haayy.. Kapag New Year o simula ng taon (month of january) karamihan sa mga Tao ay nag-iisip ng New Years Resolution pero hindi naman nagagawa. Parang, pangako na napapako.. (..haha) Parang ako, nag-babalak na magblog-mag-blog pero malamang tatamarin ako kasi i'm really in to PhotoBlogging. Tska gumawa ako ng WordBlog para sa na-iibang entry sa January '08 ng aking Blog. Teka!! Bakit nga ba ako nagtype ngayon sa blog ko? Ang 'nakagawian' (naks! tagalog talaga!) ko kasi ay mag-upload lang ng mga Litrato na aking nilikha o dili kaya ay mga pangyayari na magiging Ala-ala ng nakaraan na aking maaalala sa paglipas ng panahon. Haay...aamin na nga ako. Wala akong ma-upload kasi wala naman akong nakuhanan na maganda or moments to capture for a lifetime. (aw! huhuhu...) Kasabay pa nun ang paggawa ko ng Report sa HRM6: Meal Management na ang due date ay sa January 4. Akala ko pa naman hindi magiging katulad ng ICA (school ko dati) ang style pero shet! Ang aga nila mag-resume ng class. nakaka-urat talaga kasi hindi ko matapos ang report, nawawalan na'ko ng 'bokalularyo.' (..haha)

Biruin nyo, a-uno ng Enero sa taong 2008 nag-type ako sa blog ko. (hahaha..) Lakas kasi mag-impluwensiya ni Reamel. Ginawang parang Journal or Diary ang Blog, kasi ang hahaba ng posts. Kaya madali siyang makilala kasi ba naman sa mga nilagay niya na mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya. (..haha) Isang bagay lang talaga ang ayaw ko sa Blogging, and 'typing' kasi nakakpagod at nakaka-ubos ng 'bokabularyo' (..Nyahahaha) Pero masaya kasi type ka lang ng type ng gusto mong sabihin sa wikang taglish..haha... Isang bagay na hindi magagawa ng mga 'Poriner' ay basahin ang blog ko at awayin ako kapag may nasabi ako na hindi ka-akitakit sa kanila.. Naks! beri noti si prans esnayder, kakapalit lang ng kalendaryo at ng taon, hindi parin nagbabago.. Lalong lumalala.. wahahaha... Aktuwali, wala lang ako magawa kaya ako nag-type kasi nakaka-stress ng report na hindi matapos at wala akong ma-isip na idea. ampf! Oo nga pala, magbabasa pa ako sa Priciples of Management at Accounting pero nandito ako sa blog ko at gumagawa ng kung anu-ano na malamang ang nagbabasa ay na-uurat na...nyahaha.

'walang aangal sa typo error. hmmpf!'
>.<