domingo, febrero 26, 2006

Ang Simula ng lahat


Ang mga Litrato at Ala-ala ng nakaraan ay na-ilalagay sa isang maliit na lalagyan na kung tawagin ay film, malimit itong ginagamit sa kamera at ito ay may iba't-ibang klase.

Maraming mga litratista ang gumagamit parin ng Film kahit na mayroon ng mga DSLR at Compact Digital Camera's nang lumabas. Ito ay sa kadahilanan na iba parin ang kalidad at ganda ng mga larawan mula sa film. Tinatawag ko itong "old school" dahil sa film nagsimula ang lahat ng larawan bago pa man dumating ang mga Digital na camera's.

Mahirap gamitin ang film. Dapat ang lahat ng kuha ay sakto, dahil kung hindi ito ay masasayang lamang. May posibilidad na ma-underexposed o kaya naman ay ma-overexposed ang kuha mo. Ang pagkakamali sa pagkuha ng mga litrato ay mabuti para sa mga baguhan pa lamang ng Potograpiya. Maganda rin ang pagbabasa ng mga libro at ilang pahayagan na may tungkol sa Potograpiya. Ang pagdalo sa mga seminar, convention o workshop ay makakabuti rin para sa karagdagan ng kaalaman sa paggamit ng kamera na SLR (Single Len's Reflex), maging ito man ay film o digital.


Sana ay magustuhan ninyo ang ilan sa aking mga nilikha.